Tagalog Useless Lifehack Part 100-109 Script

Hinihiling mo rin ba sa bulalakaw na sana kumapal ang labi mo?

Jusko dai, ito ang life hack para sa'yo.

Maglagay ng hairwax sa nguso.

At habang unti-unting nalalason, maglagay ng paper napkin sa nguso.

Maglagay ng liptint mula sa inipong dugo ng tiniris na kuto.

At voila, finish product!

Ang nguso ng mga babaeng unyango.


Nasobrahan na ba sa pagsipsip ng dugo sa utak mo ang mga kuyumad?

Kaya simpleng pagbukas ng mayonaise ay hindi ka marunong?

Ito ang life hack para sa'yo.

Tulad ng nakita, hiwain ang takip gamit ang kutsilyo at i-rolyo.

At voila! 

Humanda ka sa nanay mo.

Gagayatin din nya ang mukha mo parang repolyo.


Gumana na naman ba ang utak mo para sa bagong imbensyon?

Aguy ginoo ko ante! Ito ang life hack para sa'yo.

Gumawa ng swelas mula sa bagong pantalon ng ina.

Idikit ang ginupit na bulsa.

At voila!

Ang tsinelas ng mga taong kumakain ng nalaglag na kendi sa kubeta.


Malandutay ka rin ba kaya ayaw mong magbihis sa loob ng kwarto o CR kahit may taong nakatingin sayo?

Ito ang life hack para sa'yo.

Gumamit ng payong hindi para pangtakip, kundi doon isuot ang ulo ng damit.

Gawin ang lifehack na ito kahit alam mong ulo lang ang matatakpan.

At voila!

Moral lesson. Nagtakip ka pa.

Nakita rin naman ang 'yong kaluluwa.

Ansaya pa nya.


Hindi ka ba nagsasawa sa pinong kurot ni mama kaya gagawa ka na naman ng katarantaduhan, ulupong ka.

Sige. Ito ang life hack para sa'yo.

Sa bisa ng bulong ng tatlong duwendeng itim.

Gamit ang tig-kikinseng glue stick.

Idikit sa elisi ang mga chopstick.

Ipambati sa itlog ang improvised mixer mula sa mini fan.

At voila!

Ang tanging bilin ko sa nanay mo noong pinagbubuntis ka, wag uminom ng buscopan.

Tingnan mo yan!


Naiihi ka na din ba kasi masyado kang pasikat sa pagbili at pag-inom ng limang ice coffee kahit alam mong ika'y babyahe?

Haba nun ah, pero ito ang life hack para sa'yo.

Kahit sasabog na ang pantog.

Maglaan ng oras para gumawa ng ihian device gamit ang bote at foam tape.

I-drill ang takip at maglagay ng tube.

At voila!

Tingnan natin kung hindi na manghiyang upuan mo babaeng Bruhilda!


Maalaga ka din ba sa mga gamit mo?

Wow, ito ang life hack para sa'yo.

Magpaka-feeling sosyal sa pamamagitan ng paglagay ng sapatos sa stand ng motor at scooter mo.

Ibaba ang stand ng motor.

At voila!

Irampa mo pa ang kaartehan mo lalaking mukhang tubol.

Hhhmmm!!! Nanggigigil na naman ako.


Nakadila na din ba ang tae mo habang rumarampa ka sa National Park?

Ito ang life hack para sa'yo.

Butasin ang upuan na hindi naman sa'yo.

At isabit pabaliktad ang payong.

Kunin ang bag at ilabas ang ninakaw na mantel mula sa karinderya ni Aling Dyesebel.

Isabit ang mantel.

At voila!

Moral lesson.

Hindi sinasahog sa ginataan ang gel at papel.

Adik!


Gusto mo rin ba magpapansin sa mga kaklase mo dahil kaya mo gayahin ang trendy na pagsisintas?

Sige lang, adik ka eh.

Kaya ito ang life hack para sa'yo.

Gayahin lang ang nasa video.

Kumuha ng hotdog at doon ipulupot ang sintas.

Magpaka-feeling Art Angel host para sa DIY na ito.

At voila!

Naisahog mo na naman ba ang utak mo sa embutido?


Utak monggo ka din ba kaya gusto mong lalagyanan ng wet wipes ang mamahalin mong bag?

Ito ang life hack para sa'yo.

Butasin ang bag gamit ang cutter.

At alisin ang takip ng wet wipes.

Ipasok sa loob ng bag.

At idikit sa labas na bahagi ng bag ang takip.

At voila!

Ang jeje-bag ng mga batang hamog na nandudura sa jeep.

Ngingiti pa yan.

Comments

Popular posts from this blog

Baho'g Bilat, Baho'g Duga